Pagpapakahulugan sa Konsepto ng Kalooban sa Kongregasyon ng Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM). (Tagalog)

Item request has been placed! ×
Item request cannot be made. ×
loading   Processing Request
  • Additional Information
    • Abstract:
      Although scholars have long investigated the concept of kalooban in Philippine society, it still needs to be examined in the context of religious institutions in the Philippines. The discussion on the kalooban is essential in spirituality because it creates a series of thoughts and cultures that lead to or relate to God. It serves as a foundation for the ethics, law, or morality of different groups of believers in their daily lives. The milieu of the religious institution shapes the particularity of the exercise of the kalooban as a relationship with God in this approach. The research examined the different interpretations of the concept of kalooban in the congregation of JMCIM and analyzed how the members' spirituality contributed to the expansion of this cultural concept as a relationship with God; this can also be seen in their practices, ethics, and faith. Using the methods of observation, interviews, gathering studies of their word of God, testimonies, and songs, it appeared in the study that a religious group or congregation like JMCIM plays a pivotal role in creating the peculiar characteristics of the concept of kalooban. Likewise, this research investigated the concepts or issues related to the kalooban in the JMCIM congregation and the total discourse of its members regarding the use of this concept in their practice as a group of believers. [ABSTRACT FROM AUTHOR]
    • Abstract:
      Bagaman malaon nang pinapakahulugan ng mga iskolar ang konsepto ng kalooban sa lipunang Pilipino, nangangailangan pa ring mapatingkad ito sa konteksto ng mga relihiyosong institusyon sa Pilipinas. Esensiyal ang usapin ng kalooban sa konteksto ng espiritwalidad, sapagkat lumilikha ito ng mga serye ng kaisipan at kulturang tumutungo o umuugnay sa Diyos. Nagsisilbing lunsaran ito ng etika, batas, o moralidad ng iba't ibang grupo ng mananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa ganitong tulak, nahuhubog ang partikularidad sa paggamit sa kalooban bílang ugnayan sa Diyos sa konteksto ng relihiyosong institusyon. Sinuri sa pananaliksik ang iba't ibang pagpapakahulugan sa konsepto ng kalooban sa kongregasyon ng JMCIM at tinalakay rin kung paano nakapag-aambag ang espiritwalidad ng mga kasapi sa paglawig ng konsepto ng kalooban bílang ugnayan sa Diyos; at maging sa kanilang praktis, etika, at pananampalataya. Gamit ang pamamaraan ng obserbasyon, pakikipanayam, pangangalap ng mga pag-aaral ng salita ng Diyos, patotoo at mga awitin, lumitaw sa pag-aaral na malaki ang ginagampanan ng isang grupo ng relihiyon o kongregasyon gaya ng JMCIM sa paglikha at pagyabong ng mga natatanging katangian ng konsepto ng kalooban. Natunghayan sa pananaliksik ang mga konsepto o usaping kaugnay sa kalooban sa kongregasyon ng JMCIM at sa kabuuang diskurso ng mga kasapi nito hinggil sa paggamit ng konseptong ito sa kanilang praktis bílang isang grupo ng mga mananampalataya. [ABSTRACT FROM AUTHOR]
    • Abstract:
      Copyright of Daluyan: Journal ng Wikang Filipino is the property of University of the Philippines - Diliman and its content may not be copied or emailed to multiple sites or posted to a listserv without the copyright holder's express written permission. However, users may print, download, or email articles for individual use. This abstract may be abridged. No warranty is given about the accuracy of the copy. Users should refer to the original published version of the material for the full abstract. (Copyright applies to all Abstracts.)